- Kakain ka, Iispin mo siya di kakain.
- Matutulog ka diyan (sabay turo sa kama) iispin mo siya walang tutulugan.
- Umuulan, Pag nabasa yung damit niya malamig, malamig sa gabi.
- Ang dasal ko lang sana naman matagpuan ko siya kahit pano, para mapagsilbihan ko parin siya.
Sa kanilang bahay nakasabit ang isang plastik ng tinapay, ito raw ang huling kinain ni Lolo Luis nung umaga nung November 10. Nagtira pa nga raw ito ng tinapay na babalikan niya pang merienda, Kaya hanggang ngayon hindi parin tinatapon ni Lola Aurelia ang tinapay na ito..
“Inaasahan ko paring babalik siya kaya nandiyan lang yung tinapay niya. para maalala niyang “May tinapay pala akong naiwan.” BABALIK SIYA.”
— Lola Aurelia
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ang sarap lang isipin na magkasama silang magdiriwang ngayong darating na pasko. Hayyy.. Ang sarap nga naman talaga magmahal, lalo na pag ito’y TOTOO.
(via leniegaga)
